Saturday, February 26, 2011
ni Jose F. Lacaba
(this is our piece for the upcoming 'Sabayang Pagbigkas', more commonly known as SPEECH CHOIR)
Isang gabing madilim
Puno ng pangambang sumakay sa bus
si Juan dela Cruz
Pusturang-pustura
Kahit walang laman ang bulsa
BAWAL MANIGARILYO BOSS
Sabi ng konduktora
at minura
si Juan dela Cruz.
Pusturang-pustura
Kahit walang laman ang bulsa
Nilakad ni Juan dela Cruz
ang buong Avenida
BAWAL PUMARADA
sabi ng kalsada
BAWAL UMIHI DITO
sabi ng bakod
kaya napagod
si Juan dela Cruz.
Nang abutan ng gutom
si Juan dela Cruz
Tumapat sa Ma Mon Luk
Inamoy ang mami siopao lumpia pansit
Hanggang sa nabusog
Nagdaan sa Sine Dalisay
Tinitigan ang retrato ni Chichay
PASSES NOT HONORED TODAY
sabi ng takilyera
tawa nang tawa.
Dumalaw sa Konggreso
si Juan dela Cruz
MAG-INGAT SA ASO
Sabi ng diputado
Nagtuloy sa Malakanyang
Wala namang dalang kamanyang
KEEP OFF THE GRASS
Sabi ng hardinero
Sabi ng sundalo
Kay Juan dela Cruz.
Nang dapuan ng libog
si Juan dela Cruz
Namasyal sa Culiculi
At nahulog sa pusali
Parang espadang bali-bali
YOUR CREDIT IS GOOD BUT WE NEED CASH
sabi ng bugaw
Sabay higop ng sabaw.
Pusturang-pustura
Kahit walang laman ang bulsa
Naglibot sa Dewey
si Juan dela Cruz
PAN-AM BAYSIDE SAVOY WE SATISYFY
sabi ng neon
Humikab ang dagat na parang leon
Masarap sanang tumalon pero
BAWAL MAGTAPON NG BASURA
sabi ng alon.
Nagbalik sa Quiapo
si Juan dela Cruz
Na medyo kinakabahan
Pumasok sa simbahan
IN GOD WE TRUST
sabi ng obispo
ALL OTHERS PAY CASH.
Nang wala nang malunok
si Juan dela Cruz
Dala-dala'y gulok
Gula-gulanit na ang damit
Wala pa ring laman ang bulsa
Umakyat sa Arayat ang namayat
na si Juan dela Cruz
WANTED DEAD OR ALIVE
sabi ng PC
at sinisi
ang walag hiyang kabataan
kung bakit sinulsulan
ang isang tahimik na mamamayan
na tulad ni Juan dela Cruz.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment